Bakit hindi naggagarantiya ng tunay na tubo ang demo profit?
Ang matagumpay na pagte-trade sa isang demo account at/o mga positibong resulta ng backtest ay maaaring maging mahahalagang milestones sa pag-unawa at pagsasanay sa isang estratehiya sa pagte-trade. Gayunpaman, sila ay hindi palaging garantiya ng tagumpay sa isang live account. May ilang kadahilanan kung bakit ang mga resultang nakamit sa mga kondisyon ng backtesting ay maaaring iba sa mga resultang iyon na makukuha ng isang trader sa merkado na gumagamit ng totoong pera. Ating ikonsidera ang mga kadahilanang ito sa mas higit na detalye.
1. Mga psychological na factor
Ang pagte-trade sa isang demo account ay hindi nangangailangan ng tunay na peligro, pinagagaan ang psychological na tensyon na hindi naiiwasang lumitaw kapag gumagamit ng totoong pera. Sa tunay na trading, humaharap ang isang trader sa mga matitinding emosyon: takot ng pagkalugi, kasibaan, pagnanais na makabawi pagkatapos ng pagkabigo, atbp. Ang mga factor na ito ay maaaring makaapekto nang malaki sa proseso ng paggawa ng desisyon, kahit kung ang estratehiya ay perpektong gumana sa isang demo account. Sa ilalim ng presyur ng mga totoong peligro, tila lumilihis sa estratehiya ang mga trader, isinasara nang maaga ang mga trade, lumalaktaw ng mga trade, o ang kabaliktaran, at pumasok nang hindi naaayon sa mga panuntunan, na kalaunan ay nagpapalala sa mga resulta.
2. Mga pagkakaiba sa kondisyon ng trading
Sa isang demo account, karaniwang naisasagawa nang instant ang mga order at sa presyong naka-display noong binuksan ang trade. Gayunpaman, sa totoong merkado, may mga slippage (kapag ang isang order ay isinagawa sa ibang presyo kaysa sa plano) at mga delay dahil sa liquidity at volatility. Sa parehong oras, ang spread (ang pagkakaiba sa pagitan ng buy at sell na presyo) ay maaaring mag-iba-iba depende sa mga kondisyon ng merkado. Ang mga factor na ito ay maaaring baguhin nang malaki ang mga resulta, lalo na para sa mga estratehiya kung saan mahalaga ang tumpak na pagpasok at paglabas, tulad ng sa high-frequency o scalping trading. Halimbawa, kapag nag-publish ng mahalagang balita sa ekonomiya, madalas na lumalawak ang spread dahil sa nabawasang liquidity, habang ang mga pagsasagawa ng market order ay kadalasang humahantong sa slippage dahil sa hindi sapat na liquidity. At yan ay normal para sa period na tulad nito. Syangapala, nangyayari ang mga kahalintulad na bagay sa oras ng swap (rollover).
3. Limitadong historikong data sa backtesting
Ang backtesting ay batay sa historikong data, ngunit nagbabago ang merkado sa paglipas ng panahon: ang mga factor na makroekonomiko, mga pangyayaring pampulitika, at ang pangkalahatang pag-uugali ng mga kalahok sa merkado ay patuloy na nakakaimpluwensya sa dinamika ng merkado. Ang istratehiya na gumana sa mga partikular na kondisyon ng merkado ay maaaring maging hindi gaanong epektibo o hindi pa nga tumubo sa iba. Halimbawa, ang isang estratehiya na gumana nang maayos sa isang kalmadong merkado ay maaaring hindi gumana nang mabuti sa isang kapaligiran ng napataas na volatility tulad ng nangyari noong panahon ng pandemikong COVID-19. Ang backtesting ay mahalagang sinusubukan ang nakaraang merkado at hindi ikinokonsidera ang mga pagbabago sa hinaharap.
4. Labis na pag-optimize
Maraming mga trader ang gumagamit ng “perpektong” parametro na akma sa historikong data, na humahantong sa labis na pag-optimize. Ang penomenong ito ay kilala bilang labis na pag-akma o overfitting. Ang isang estratehiya na maayos ang naging resulta dati ngunit bigo nang subukan sa panghinaharap na data dahil ito ay iniakma para sa mga partikular na kondisyon ng merkado na hindi na umuulit ay kilala bilang overfitting.
5. Mga pagbabago sa istraktura ng merkado
Ang mga demo account sa pangkalahatan ay wala ang mga limitasyon na maaaring maganap sa mga tunay na merkado, tulad ng kakulangan ng liquidity para sa malalaking volume o walang kakayahan na magsagawa ng mga order sa ilang punto ng oras. Sa isang tunay na merkado, maaaring magbago ang istraktura depende sa inaasal ng ibang mga kalahok, at ang malalaking player (hal., market makers o hedge funds) ay kayang pangasiwaan ang liquidity, gumawa ng mga artipisyal na hadlang, at maimpluwensyahan ang mga paggalaw ng presyo. Lahat ng ito ay maaaring gumulo sa mga plano at palalain ang mga resulta ng estratehiya na ipinapakita sa demo.
6. Pinansyal na gastos
Ang isang demo account kadalasan ay hindi ikinokonsidera ang lahat ng pinansyal na gastos na sinasagot ng isang trader sa isang real account. Kasama rito ang mga komisyon ng broker, spreads, buwis, posibleng karagdagang gastos para sa data o signal, at iba pang bayarin na maaaring hindi inaasahang mataas sa tunay na trading. Ang mga gastos na ito ay kayang bawasan nang malaki ang tubo, lalo na kung ang estratehiya ay kinabibilangan ng maraming trade.
7. Minamaliit ang mga panlabas na factor at “black swans”
Ang mga panlabas na hindi nahuhulaang event, na kung tawagin ay “black swans” ay maaaring gumanap ng malaking papel sa tunay na trading: krisis pang-ekonomiya, mga kaguluhan sa politika, biglaang pagbabago sa regulasyon ng merkado, atbp. Kaya nilang baguhin nang bigla ang mga kondisyon ng merkado at humantong sa malalaking pagkalugi. Ang mga naturang kaganapan ay bihirang ikonsidera sa backtesting dahil ang kanilang dalas at epekto ay mahirap imodelo. Hindi rin ganap na naipapakita ng mga demo account ang mga kahihinatnan ng black swans sa tunay na mundo.
Konklusyon
Ang matagumpay na pagte-trade sa isang demo account at mahuhusay na resulta ng backtesting ay nagpapahiwatig na may potensyal ang isang estratehiya. Gayunpaman, ang tunay na merkado ay hindi lamang nangangailangan ng isang mahusay na subok nang estratehiya kundi pati na rin ng mataas na katatagang sikolohikal, ang kakayahang umangkop sa mga kondisyon, isaalang-alang ang lahat ng mga gastos, at maging handa para sa mga hindi inaasahang kaganapan. Para sa matagumpay na pagte-trade sa isang real account, dapat ikonsidera ng isang trader ang lahat ng factor na inilarawan sa itaas at maging handa para sa impluwensya ng mga ito, na nangangailangan ng oras, karanasan, at mahigpit na disiplina.
